Articles

Autograph/Slum Book Answers ++ years ago (by: Krys)

In Fun, Life, Personal on September 6, 2011 by lexie-chan Tagged: , , , , , , ,

Copy/Paste from ‘dalla’s Multiply journal. The best journal entry ever!!! ‘dalla! Eto yung nisasabi ko sayo noon! HAHA!!!!

 

– – –

Insomnia. Sanhi ng pabago-bagong sleeping pattern.
Nursing Dx: Disturbed sleeping pattern r/t shifting schedule.

Dahil dyan, pag hindi ako makatulog, nagagawa ko ang mga bagay-bagay tulad na lang ngayon. Naghalukay at natagpuan ang autograph book ko noong elementarya hanggang high school. Super laughtrip.

(Dahil mga kaibigan ko parin hanggang ngayon ang mga taong mababanggit ko, itatago ko na lamang sila sa ibang pangalan upang parotektahan ang kanilang pagkatao at maisalba sa kahihiyan.)

UNANG Tanong: Describe yourself 
“JUDGE ME!!!” (90% ng sumulat yan ang sagot sa slumbook ko.) 
“Judge me na lang plz!!”
“Just Judge me okey!”
“Its all up to you” (okay bahala na pala ako e.lol)

yung iba dinescribe ng todo ang sarili nila tulad ng mga ito:

Mula kay Boy A: Describe yourself: tall, white, have a scar face (may scar nga nmn.Honest!)
Girl B: Cute,short hair,masarap kausap at kasama,crushable (D best!)


PANGALAWANG Tanong: Motto

“Time is Silver. Clint is Gold.” (kapanahunan kasi ng Moffats noon.)
“Time is Gold.” (syempre mawawala ba naman to. 85% ang sumagot nito.)

May mga seryoso din ang motto tulad ng:
“Dont judge a book by its cover.”
“Give your smile to everyone but give your heart to only one.” (panalo )
“Love is honest; not a game” (parang mas maganda to sa Define love na tanong)
“Everything is possible’
“What is beauty if the brain is empty.” (laban kayo.haha)

May mga hindi ko ma-gets ang nais iparating tulad ng:
“Its better to born out than to fade away…” (ayan intindihin niyo yan!)
“HANSON Rulez!” (again kapanahunan ito ng moffats at hanson)

Pero ito ang mga pinaka the best:
Tanong: Motto
Sagot: ALL (nilahat na! come on!)

Tanong: Motto
Sagot: None (sorry naman.pwede?pwede mag sorry?)


IKATLONG Tanong: Define 
Love  
Ang top answer ay ” LOVE IS BLIND.” (86%)

meron din namang may ibang definition na halatang pinag-isipan ng matindi:
“Love is a big question to be answered.”- (grade 6 pa lang.malalim na ang definition.lol)
“Love is like a rosary that is full of mysteries.”
“Love is Sacred.” (ayan sagrado nga daw.)
“Love is Clint. Clint is love.” (muli, impluwensya ng bandang the Moffats)
“Love is like a scotch tape that sticks together.” (3M o crocodile na brand?)

mga panalong sagot:
“Love is like a toy when you play you enjoy.”
 (komento lamang ang nagsulat nyan ay magaapat na taon na sila ng kaniyang boypren.Ironic.haha)
“Love makes you cry.” (kung ganun pala ayoko ng magmahal. Chos!)
“Love is for everybody.” (buti naman di niya kinanya.salamat friend.)

“Love is like a soft melodic song.”
(mula kay Larissa Christia Flores.hiskul pa lang  cheessssyyyyyy kana.haha)

pero wala pa rin tatalo sa definition ko nung grade 5 ako:
Tanong: Define Love
Krys: Love is like a war that is easy to begin but is hard to win. (walang kokontra.lol)

IKAAPAT na Tanong:  Who is your first love?
Tatlo lamang ang mga Kasagutan:

a. “God” (tama nga naman)
b. “God & parents” (syempre naman. eto rin sagot ko e.)
c. “Secret”

IKALIMANG Tanong: Who is your crush? 

Sa katanungang ito, may mga malalakas ang loob na sinulat ang tunay na pangalan ng crush nila na mga kaklase din namin. (Kinailangan ko pang mag-promise na hindi ko ipapakita ang sinulat nila sa crush nila. Sikretong malupit daw yon.)  

Meron din namang mga celebrity tulad nina
“Clint” (at ang iba pang miyembro ng moffats.)
“Taylor” (at ang iba pang miyembro ng Hanson)
“Britney Spears”
“Prince William”

Isama na rin natin ang mga cartoon character tulad nina
“Eugene, Dennis, Vincent, Taguro” (kapanahunan din ng Ghostfighter)
“Liah” – mula sa Akazukin ChaCha

May iba na mga clue o code name ang isinulat
“Si M_ _ _” (fill in the blanks ang style)
“Si SRA”
“Secret. Clue: maputi,cute,mahaba ang buhok.” (wow pwede ipa-sketch sa NBI?)
“none” (eh sa wala siyang crush anong magagawa natin, right?)

Wag kayong mabibigla sa sinulat ko ha:
Tanong: Who is your crush?
Krys: Mo Twister (OMG. May crush pala ako kay Mo dati.Artista pa siya non.Jologs talaga ako.haha)

Syempre bago matapos ang pagsusulat kelangan may DEDICATION muna para sa may-ari ng slumbook.  At eto ang mga excerpt:

“Dear Krys thanx for the space provided.” (ayan parang binigyan ko lang sila ng lupa at kinalculate ang crowding index. space daw e.)

“Dear Krys thanks for the space. I love you very much. Be a good girl always.” (i love you too. I’ll be a good girl promise. lol)

“Dear Krys than you for the space. God Bless. Stay as sweet as you are. Dont change!” (opo sir hindi ako magbabago.ever.promise.lol)

“Dear KC thanks for letting me sign here in your cute and beautiful autograph book.”

“Krys thank you because you gave me trust in writing info about myself.” (sureness gusto mo sulat ka pa ulit pagnakabili ako ng bago.)

“Krys magpataba ka naman. (skeleton warrior ako noong elem.tingnan na lamang ang link na to para sa ebidensya http://kryscantillo.multiply.com/journal/item/31)

may mga nagpromote pa:
“Everdearest Krys just stay what you are now dont change. P.S. To all Taylor fans out there engaged na kami ni Taylor.Kaya back-off” (mula kay Daphne Christine Bautista.haha)

pero dito ako napangiti ng todo:
Mula kay Alexa Joy Nino: “Ngayon pa lang kita nakilala pero nakikita ko ng magiging mabuti kitang kaibigan. Just remember i will be your friend forever and that’s my promise to you.” (and she didnt break that promise even once.) 

Laughtrip ulit. Maraming salamat autograph book sa pagpapangiti. 🙂
Hay ang sarap balikan ng mga nakaraan.


“Those who are unsure of their future seek comfort in their past.”


Kapayapaan para sa lahat.
Peace to everybody sa Ingles.

 

 

– – –

 

Lexie: ‘dalla!!! Been bestfriends for 12 years!!!! I loveeeeee you forever!!! Alam mo na yun!!!! xoxo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: